BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, October 6, 2010

Talumpati.

For our 2nd quarter project in CAF (Filipino) we have to memorize a talumpati or speech which should be 3-5 minute long. Most of my classmates searched their talumpatis over the internet that's why when they presented in front of everyone it's just like a repeat. But mine is written by me that's why I did not have a hard time memorizing it and I different talumpati from the others. My talumpati is about nature.

Here's it is.

Nasa harapan po ninyo ako ngayon upang ipahayag sa lahat na ang ating bansa, pati na rin ang buong mundo ay naghihirap sa labis-labis na polusyon at sa mga sakuna na nangyayari dulot din mismo ng masasamang mga kamay ng mga tao.

Baha at iba pang mga kalamidad, ito ang mga sakuna na nangyayari sa iba’t ibang lugar sa mundo. Pagbabago ng klima, isa rin sa mga epekto ng polusyon at resulta ng mga masasamang ginagawa ng mga tao tulad ng pagmimina. Pagkakasakit o pagkakamatay ng mga tao- ang polusyon sa lupa, tubig at hangin ang siyang nagbibigay hirap sa mga tao lalong lalo na sa mga bata dahil sila ay walang ka muwang-muwang tungkol dito. Ilan lamang ito sa mga nakakatindig balahibo na mga kaganapan ngayon. Makadudulot din ito sa pagbaba ng ating ekonomiya dahil kung sobrang-sobra na ito, wala ng turista o dayuhan ang pupunta dito sa Pilipinas.

Ang mga masasamang nangyayari ay dulot ng polusyon o di kaya’y ang kulang na atensyon at pag-aalaga sa ating kapaligiran. Gaya ng usok na nanggaling sa mga malalaking pabrika at mga sasakyan ang siyang unti-unting pumapatay sa ating Inang Kalikasan. Dagdag mo pa rito ang walang habas na pagtapon ng mga plastik at mga basura sa paligid lalo na sa ating mga ilog at ang paggamit ng mga mangingisda ng dinamita sa pangingisda ang nakakaperwisyo sa mga taong namumuhay malapit sa mga anyong tubig.

Maiiwasan natin ang mga samu’t saring mga sakuna kapag ipinagbabawal natin ang pag-gamit ng mga CFC’s o chlorofluorocarbons at iba pang mga kagamitan na nagdudulot ng polusyon. Bawat isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan. Simple lang. Magtanim tayo ng puno sa paligid. Gumamit ng mga kagamitan na makatutulong sa pagligtas ng ating kapaligiran. Bawas-bawasan natin ang paggamit ng plastik, kung maaari gumamit tayo ng bag o magdala ng paglalagyan ng ating mga bibilhin sa pamilihan o sa tindahan. Ulitin ang paggamit ng mga bagay-bagay o pakinabangan ang mga gamit na basura . Sa madaling salita sa Ingles ay “to reduce, reuse at recycle.” Itapon natin ang ating basura sa tama nilang kinalalagyan. Huwag rin natin kalimutan maglinis ng ating paligid araw-araw. Simple lang, hindi ba?

Ginawa ng Panginoon na maganda at kapakipakinabang ang paligid para sa ating kaginhawaan ngunit sino ang ating dapat sisihin sa pagkawasak nito?

Tayo ang sumira kaya’t sa atin din nakasalalay ang pag-asa, ang pag-asa na makararanas ang ating mga kabataan ng mundong hindi balot ng kalamidad at polusyon.

Sana, sa huli, masasabi ng ating Panginoon na tunay nga nating inalagaan ang kayamanan na kanyang inihandog sa atin- ang kalikasan.


Hope you've learned something from it. :))

5 comments:

  1. . ang gnda po ng ginawa niyong talumpati !!

    ReplyDelete
  2. omoo! :D ang galing galing nyo po! :D :D <3

    ReplyDelete
  3. ang ganda po ng talumpati nyo.. :)

    ReplyDelete
  4. isang magandang talumpati

    tungkol sa ating inang kalikasan

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng mensahe ng talumpati na ipinahiwatig mo

    ReplyDelete